10 bahay, nasalanta ng ipo-ipo sa Davao del Sur

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2018 11:58 AM

DAVAO DEL SUR - Nasira ang 10 bahay sa Sitio Cebulan, Barangay Astorga, sa bayan ng Sta. Cruz matapos tamaan ng ipo-ipo, Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga residente, matutulog na sana sila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at hangin.

Karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials tulad ng plywood kaya agad na tinangay ng hangin.

Nagtamo rin ng pinsala ang mga pananim na tubo at saging sa lugar.

Nagsagawa na ng validation ang lokal na pamahalaan para mabigyan ng ayudang pagkain at pinansyal ang 10 pamilyang naapektuhan.

Nakaranas ng localized thunderstorms dala ng easterlies ang ibang lugar sa Davao region kagabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.