SAPUL SA CCTV: Kagawad, binugbog ng 2 lalaki

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2018 05:26 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ng CCTV ang pambubugbog ng dalawang lalaki sa isang kagawad sa Sampaloc, Maynila.

Sa video na ipinadala ni Bayan Patroller Mario Elman na kuha noong gabi ng Huwebes, Abril 19, makikitang naglalakad ang kagawad na si Vincent Sabado habang may kausap sa kaniyang cellphone nang tawagin siya ng isang lalaki.

Lumapit si Sabado sa lalaki at tila nag-usap pa ang dalawa hanggang sa biglang tinadyakan ng lalaki si Sabado at pinagsusuntok.

Isa pang lalaki ang sumali sa pambubugbog.

Hindi na nakaganti si Sabado at kusa ring umalis ang dalawang lalaki.

Palagay ni Sabado, napagtripan siya ng unang lalaki dahil inakalang pinagtatawanan niya ito.

Nagtamo ng gasgas sa mukha at putok sa labi si Sabado.

Ipina-blotter na rin niya sa pulisya ang insidente para mahanap ang mga lalaking nanakit sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.