3 drug suspects timbog sa buy-bust sa Cavite

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2017 08:41 AM | Updated as of Apr 23 2017 09:34 AM

MAYNILA- Arestado ang tatlong drug suspect isang buy-bust operation sa Brgy. Calumpang, Cavite City, Cavite madaling araw ng Linggo.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnold at Wilmer Conte, at RC Boy Fernandez.

Nakumpiska sa mga suspek ang bag na may 19 na sachet ng hinihinalang shabu na aabot umano ng hanggang P170,000 ang halaga.

Ayon kay Sr. Inspector Gilbert Derla ng Cavite City police, umamin si Arnold na gumagamit siya ng droga pero itinanggi nito na nagbebenta siya.

Umamin namang nagtutulak ng droga si Fernandez, kaibigan ni Wilmer, at iginiit pa na ang 70-anyos niyang lolo ang nagbibigay nito sa kanya.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.