2 motorcyle rider, patay matapos bumangga sa truck

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2017 02:48 PM | Updated as of Apr 23 2017 02:49 PM

MANILA- Patay ang dalawang di pa nakikilalang motorcycle rider matapos bumangga ang kanilang motor sa kasalubong na trak sa Quirino Avenue extension sa bahagi ng Caloocan nitong Sabado ng gabi.

Kwento ng pahinante ng trak na si John Lev Nuevo, nasa tamang lane naman ang trak nang makita niyang humaharurot ang motorsiklo sa kabilang lane at inovertake ang isang sasakyan.

Sa bilis, hindi natantsa ng mga bkitima ang kasalubong na trak kaya ito sumalpok.

Galing Marilao, Bulacan ang trak na magdedeliver sana ng baboy sa Commonwealth market.

Nakakulong ngayon ang driver na si Joemel Nuevo na nahaharap sa
kasong reckless imprudence resulting in double homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.