Pampasaherong jeep, nahulog sa bangin sa Zamboanga del Sur; 13 sugatan

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2017 07:43 PM | Updated as of Apr 22 2017 09:01 PM

Nahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa National Highway Purok 5, Barangay Esperanza, bayan ng Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, Byernes ng hapon.

Labintatlo ang sugatan kung saan lima dito ay mga minor de edad.
Sugatan din ang driver na si Danilo Estribor.

Galing Pagadian City ang jeep at patungo sana sa bayan ng Molave, Zamboanga del Sur.

Sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang jeep dahilan para ito ay mahulog sa bangin na may 13 talampakan ang lalim.

Agad dinala ang mga sugatang pasahero sa Igano Community Hospital sa Molave at agad ding nakauwi bukod sa isang pasahero na nabali ang paa.

Agad ding kinuha ang nahulog na jeep habang kinasuhan na ang driver na si Estribor ng reckless imprudence resulting to multiple physical injuries.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.