Naaksidenteng bus sa N. Ecija, walang alternate driver: LTFRB

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2017 10:02 AM | Updated as of Apr 20 2017 11:08 AM

MANILA - Wala ang alternate driver nang maaksidente ang isang bus sa Carranglan, Nueva Ecija nitong Martes dahil nakababa na ito sa sasakayan bago ang insidente, kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Huwebes.

Patungo sana ang Leomarick bus sa lalawigan ng Ilocos Sur mula sa probinsiya ng Isabela nang mahulog ito sa bangin na nasa 30 metro ang lalim.

Aabot sa 224 kilometro at 15 oras ang biyahe sa pagitan ng Ilocos Sur at Isabela kaya kinakailangang magkaroon ang bus ng dalawang magkahaliling driver, ayon kay LTFRB spokesperson Aileen Lizada.

"Tinanong namin ang operator, nasaan ang alternate driver ninyo? According to him, bumaba before the accident. Sabi ko bakit po bumaba? Saan bumaba? Gusto kong malaman kung bakit siya bumaba kasi it could have been different kasi the timing and everything," ani Lizada sa panayam ng DZMM.

"Sabi niya, may urgent daw. Sabi ko, ganito ba talaga ang policy? Kailangan nasa loob siya ng bus kasi anything can happen."

Patungo sana ang Leomarick bus sa lalawigan ng Ilocos Sur mula sa probinsiya ng Isabela nang mahulog ito sa bangin na nasa 30 metro ang lalim.

Aabot sa 224 kilometro at 15 oras ang biyahe sa pagitan ng Ilocos Sur at Isabela kaya kinakailangang magkaroon ang bus ng dalawang magkahaliling driver, ayon kay LTFRB spokesperson Aileen Lizada.

Una nang inanunsiyo ng pulisya na kabilang ang driver ng bus na si Cesar Perang sa mga nasawi sa aksidente. Wala pang impormasyon sa lagay ng isa pang driver na si Ronaldo Mangawang at sa konduktor na si Tyson Perang.

Sinuspinde na ng LTFRB ang prankisa ng Leomarick bus.

Maglalabas ang ahensiya ng panibagong suspension order sa Huwebes matapos mapag-alamang mayroon pang hiwalay na 3 prangkisa ang may-ari ng Leomarick, ani Lizada.

Nakatakda namang magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade ukol sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.