TINGNAN: 'Spotted wood owl' natagpuan sa Palawan

Chinee Palatino, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2017 12:14 PM | Updated as of Apr 18 2017 12:40 PM

PUERTO PRINCESA, Palawan - Naging sentro ng atensyon sa Barangay Bancao-bancao ang isang mala-stuffed toy na kuwago na natagpuan ng mga residente sa kahabaan ng Rizal Avenue, Lunes.

"Mga bandang alas-singko ng umaga, nakita ko siya malapit sa human settlement building. Akala ko stuffed toy, e gumalaw," kwento ni Gideon Dangan.

Agad na nai-turn over sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) ang kuwago.

Ayon sa mga eksperto, isang batang spotted wood owl o "gukgok" ang ibon na nakuha mula sa barangay.

Itinuturing ng International Union for Conservation of Nature bilang isang "least concern" species ang mga spotted wood owl.

Ayon sa Birdlife International, matatagpuan ang spotted wood owl sa Palawan, iba pang probinsya sa western Philippines, at ilang bahagi ng Asia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.