DAVAO CITY – Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Sheriff Abbas na hinihintay pa nila ang panibagong utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kung itutuloy ba o hindi ang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan ngayong paparating na Oktubre.
Sa kabila raw nito ay patuloy ang ginagawang paghahanda ng Comelec para sa eleksyon, batay na rin sa mandato sa kanila ng batas.
Sa rehiyon ng Davao, halimbawa, ay patuloy ang ginagawang satellite registration sa mga barangay.
Ayon sa Comelec, mas maigi umano na laging handa, kung sakaling matuloy ang halalan.
Kung matutuloy man ay gagawin umanong manual ang eleksyon sa barangay at SK ngayong taon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.