Babae, patay matapos mahagip ng SUV sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 05:39 AM

MANILA - Patay ang isang babae matapos itong mahagip ng isang SUV sa Roxas Boulevard, Maynila Martes ng madaling-araw.

Ayon sa drayber ng SUV, bigla umanong tumawid ang biktima kahit na naka-green light.

Sa lakas ng pagsalpok, nayupi ang harapang bahagi ng SUV at basag rin ang windshield nito.

Humandusay naman sa kalsada ang babaeng biktima. Nakasuot ito ng pink na blouse at brown na pantalon.

Hawak na ng Malate police ang drayber ng SUV at nakatakdang itu-turnover sa kustodiya ng Manila Traffic Bureau para sampahan ng kaukulang kaso. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.