14-anyos na estudyante binaril sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 07:37 AM

COTABATO CITY - Patay ang isang 14-anyos na estudyante matapos barilin ng di pa kilalang salarin Lunes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Steve Tino Campong.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas ng bahay ang biktima para bumili sa tindahan.

Nang pauwi na ito sa kanilang bahay ay bigla na lang umano itong nilapitan ng hindi pa nakikilalang lalaki at saka binaril sa ulo.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.

Residente ng Parang, Maguindanao ang biktima at kahapon lang umano pumunta sa lugar para bisitahin ang kaniyang ate.

"Yung motive 'di pa natin makita pero gumagawa tayo ng effort para mabigyan ng justice 'yung pagkamatay ng biktima," ani Chief Inspector Efren Salazar, hepe ng Police Station 2. - ulat ni Arianne Apatan at Noel Elvena, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.