Duterte, hanga sa 3 bansang binisita; nagparinig sa EU

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2017 12:29 PM

President Rodrigo Duterte. Reuters

Nagpahayag ng paghanga ang Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong bansang pinuntahan sa Middle East: Bahrain, Qatar at Saudi Arabia.

Ayon sa Pangulo, wala siyang naramdamang kahit anong diskriminasyon sa mga bansang binisita. Kung meron man, maaari umano itong mangyari kahit saan.

"Wala masyado akong nakita[ng] [diskriminasyon] unlike nitong mga the pretentious ones. Yung mahilig sa human rights pero yun pala, sila mga bigots," pasaring ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na ang kanyang Middle East trip ang pinakaproduktibo niyang biyahe.

Kasama ni Pangulong Duterte ang 150 Pilipinong napabalik ng Pilipinas at siniguradong makakauwi ng kani-kanilang bahay.

Nangako rin ang pangulo na popondohan ng gobyerno ang livelihood program ng mga OFW.

''Your sacrifices there, will be repaid here. Tutulong din ang gobyerno since you help us a lot sa ating economy,'' ani ni Duterte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.