Ginang, pinagtataga ng sariling mister

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2018 11:07 PM

SIPOCOT, Camarines Sur - Patay ang isang ginang matapos pagtatagain ng kanyang sariling asawa Lunes ng umaga.

Si Ernesto Brozula, 50 taong gulang at residente ng Barangay Aldezar sa bayan ng Sipocot ang itinuturong pumatay sa kanyang asawang si Susana.

Bolo ang ginamit umano ng suspek sa pagtaga sa kanyang asawa, na nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ginantihan naman ng kanilang mga ka-barangay si Ernesto. 

Sugatan rin ito matapos pagbabatuhin at pagtatagain ng kaniyang mga ka-barangay.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Ernesto habang inaalam pa ng pulisya ang motibo nito sa pagpatay sa asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.