Lalong pagsisikip ng trapiko sa Ortigas CBD, asahan sa Abril 16

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2018 05:46 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan ang Ortigas Central Business District sa Lunes, Abril 16, dahil sa isasagawang convoy dry run para sa ika-51 annual meeting ng Asian Development Bank (ADB).

 

Bagaman walang isasarang kalsada para sa dry run, dapat pa ring maghanda ang mga motorista sa pagsisikip ng trapiko sa mga rutang apektado mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Narito ang mga rutang maaapektuhan ng dry run:

- Bank Drive to Saint Francis Street

- EDSA Shangri-La to St. Francis Street, Shaw Boulevard, EDSA, South Luzon Expressway, Skyway, NAIA Expressway, Imelda Avenue

- Imelda Avenue to NAIA Road, NAIA Expressway, Skyway, SLEX, EDSA, Guadix, ABD Avenue

Ipatutupad din ang "stop and go" scheme sa Guadix Drive na magiging one-way, mula EDSA hanggang ADB Drive, para sa pagdating ng convoy.

Maaaring magsikip ang trapiko sa mga sumusunod na lugar:

- Magallanes Interchange
- Ayala Underpass (Northbound and Southbound)
- Guadalupe MRT Northbound
- Shaw Blvd. corner EDSA
- Shaw Blvd. Service Road Northbound Shaw Underpass (Northbound and Southbound)
- Guadix Drive
- ADB Avenue
- ADB Headquarters
- ADB Bank Drive corner Julia Vargas
- St. Francis corner Julia Vargas.

Idaraos ang nabanggit na ADB annual meeting mula Mayo 3-6 sa ADB Headquarters sa Mandaluyong.

-- May ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.