Lalaking nagpanggap na taga-CIDG, arestado sa Quezon City

Angel Movido, ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2017 04:18 AM

MANILA - Isang lalaking nagpanggap na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at 2 pang kasama nito ang inaresto sa Barangay Pag-asa, Quezon City Biyernes ng gabi.

Arestado sina Francisco Morente, Herbert Teraza at Merlin Kintanar matapos makabili ng isang sachet ng shabu ang grupo sa isang undercover na pulis.

Nang arestuhin, nagpakilala pa si Morente na miyembro umano ng CIDG. 

Bukod sa sachet ng hinihinalang shabu, nakumpiska rin kay Morente ang iba't ibang ID at calling card ng ilang opisyales ng gobyerno.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. Sasampahan rin ng kasong usurpation of authority si Morente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.