Truck sumalpok sa bahay sa Bulacan, 3 sugatan

Bayan Mo Ipatrol Mo

Posted at Apr 07 2017 01:39 PM

Tatlo ang sugatan matapos bumangga ang isang 10-wheeler cargo truck sa isang bahay sa Brgy. Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Pulilan Police Station, nawalan umano ng preno ang truck na may kargong mais sa pababang kalsada kaya’t tuluyang bumulusok sa bahay. 

Kuha ni Bayan Patroller Pauline Daniel Reyes
Kuha ni Bayan Patroller Pauline Daniel Reyes
Kuha ni Bayan Patroller Pauline Daniel Reyes
Kuha ni Bayan Patroller Pauline Daniel Reyes

Sugatan ang isang tao sa loob ng bahay at nadamay rin isang motorsiklong dumadaan na ikinasugat ng driver at angkas nito.

 

Agad na dinala ang mga biktima sa Bulacan Medical Center.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property and serious physical injury and driver ng cargo truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.