Bulag na nagkukumpuni ng computer, nagtapos sa Senior HS

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2017 11:22 AM | Updated as of Apr 07 2017 06:37 PM

Hindi naging balakid para sa dalawang estudyante ng Libon Agro Industrial High School ang pagkakaroon ng kapansanan para makapagtapos ng pagaaral.

Si Christopher Abila, 20-anyos, at Jeremias Guanzon ay kapwa nagtapos sa unang batch ng senior high school ng kanilang eskwelahan sa Albay.

Walang paningin si Abila pero kayang-kaya niyang magkumpuni ng sirang CPU at memory card ng computer.

Isa lang siya sa mga estudyante ng senior high na kumuha ng kursong computer systems servicing sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood Track.

Hindi maitago ni Abila ang saya sa graduation kahapon kasama ang 49 iba pang estudyante ng kanilang paaralan.

Bukod sa diploma, tumanggap din si Abila ng award bilang Best in Work Immersion.

Sa susunod na school year, plano niyang kumuha ng kursong education.

Nakatapagtapos din ng senior high si Guanzon sa kabila ng kapansanan.

Pinatunayan ng dalawa na hindi hadlang ang kapansanan para makapagtapos ng pag aaral.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.