TINGNAN: Dolphin, napadpad sa dalampasigan ng Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2017 03:47 PM | Updated as of Apr 05 2017 05:02 PM

Isang dolphin ang napadpad sa baybayin ng Barangay San Rafael, Pilar, Sorsogon, Martes ng umaga.

Ayon kay Bayan Patroller Arnold Suba, nang makita ito ng taongbayan sa kanilang lugar ay agad itong dinala sa malalim na bahagi ng dagat upang hindi na ito pagkaguluhan pa.

Dagdag niya, ligtas at malakas naman ang dolphin nang pakawalan nila ito.

BMPM twitter
BMPM twitter
BMPM twitter
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.