Corals sa karagatan ng Legazpi City, nasira ng sumadsad na barko

Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2017 06:19 PM

LEGAZPI CITY — Nangangamba ngayon ang lokal na Integrated Coastal Resource Management unit sa lawak ng pinsala sa mga corals sa karagatan ng lungsod matapos sumadsad ang isang landing craft tank noong Lunes dahil sa lakas ng hangin.

Nagsagawa sila ng surface search Martes kung saan nakita ang mga nasirang corals.

Ilang taon ding inalagaan ng grupo ang lugar na ito at irerekomenda na sanang maging snorkeling at diving site.

Problemado ngayon ang opisina sa haba ng panahong bubunuin upang muling maibalik sa dati ang mga nasirang corals.

Ayon sa chief operation officer ng Fishery Enforcement Team na si Rhoniel Estevez, isang sentimetro lang ang itinutubo ng corals bawat taon.

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng kaso laban sa may-ari at kapitan ng barko, habang muling titingnan ng mga diver kung gaano kalawak ang pinsala sa mga corals. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.