1 patay sa salpukan ng tricycle at bus sa Pangasinan

Bayan Mo Ipatrol Mo

Posted at Apr 05 2017 04:37 PM | Updated as of Apr 05 2017 05:00 PM

Patay ang driver ng isang tricycle matapos makasalpukan ang isang bus sa Manila North Road, Bgy. Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay PO3 Samuel Nepomuceno ng Urdaneta City PNP, mabilis umano ang takbo ng isang Five Star bus na biyaheng Manila-Dagupan (plate number IUVS 675) nang masalpok ang tricycle. 

Kuha ni Bayan Patroller Jocelyn Tilo

Dead on arrival sa Urdaneta District Hospital ang driver ng tricycle na kinilalang si Reynaldo Cabanilla, 28 na taong gulang.

Kasalukuyan namang nakakulong sa Urdaneta PNP ang driver ng bus na si Ronnie Rosario na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.