Imbestigasyon laban sa 'Occupy Pabahay' ikinasa ng PNP

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2017 05:31 PM

Residents, who had occupied several row houses intended for National Housing Authority (NHA) beneficiaries, move concrete culverts to form a barricade at the housing community in Pandi, Bulacan on Monday. Members of Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) occupied several housing facilities in Bulacan to press the government to address housing problems in the country. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Kumikilos na ang Philippine National Police (PNP) para alamin kung sino ang mga nag-udyok sa mga nagpakilalang miyembro ng Kadamay na sumugod at iligal na umukopa sa mga pabahay ng National Housing Authority sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Senior Superintendent Dionardo Carlos, nakikipag-tulungan na rin ang kanilang hanay sa NHA para hindi na maulit ang naganap sa nasabing pabahay na para sana sa pamilya ng mga pulis at sundalo.

Apela ni Carlos sa grupong Kadamay na sumunod sa proseso dahil sumusunod dito ang mga pulis at sundalo para magkaroon ng sariling bahay.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papalampasin ng gobyerno ang iligal na pag-okupa sa mga pabahay sa Bulacan