Mga labî ni Leticia Ramos-Shahani, na-cremate na

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at Mar 27 2017 05:03 PM

Former senator Leticia Ramos Shahani. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MANILA- Na-cremate na ang mga labî ni dating senador Leticia Ramos-Shahani sa Manila Memorial Park sa Parañaque nitong Lunes.

Bago ang cremation, isang misa at interment service ang isinagawa para sa yumaong senador.

The casket of former senator Leticia Ramos-Shahani is carried to the crematorium in Manila Memorial Park. Zhander Cayabyab, DZMM

Dumalo ang kanyang mga anak, mga kaibigan, gayundin ang kapatid niyang si dating Pangulong Fidel V. Ramos. 

Matapos ang misa, idinaan ang kanyang labî sa main chapel upang bendisyunan.

Binigyan siya ng military honors at 21-gun salute ng Philippine Army at Philippine Navy, bago dinala sa crematorium.

Pumanaw si Ramos-Shahani noong nakaraang linggo sa edad na 87.

Mas kilala sa tawag na "Manang Letty," si Ramos-Shahani ay naglingkod sa pamahalaan bilang ambassador at Senate president pro-tempore.

Nagkaroon din siya ng matataas na posisyon sa United Nations.

Ang kanyang labî ay inilagak sa Ramos-Shahani mausoleum sa Willow Court sa Manila Memorial Park. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.