Drug suspect, patay sa engkwentro sa Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2017 07:57 AM

MANILA - Patay ang isang suspek sa iligal na droga nang manlaban umano sa mga umaarestong pulis sa operasyon sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Santi Ramirez, trenta'y nuebe anyos, at naninirahan sa Temporary Housing building sa Tondo.

Ayon kay PO2 Benjamin Ferrer III, bumunot ng baril ang suspek sa drug enforcement team sa Aroma Compound, Balut, Tondo kaya napilitan ang mga otoridad na barilin siya.

Na-recover sa crime scene ang kalibre trenta'y otso na paltik na pagaari daw ng suspect, ganon na rin ang mga bala ng baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.