TINGNAN: 1 patay, 10 sugatan sa aksidente sa Iloilo

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2017 12:37 PM

ILOILO - Isa ang patay at mahigit sa 10 ang sugatan matapos araruhin ng isang dump truck ang 2 sasakyan at isang motorsiklo sa bayan ng Cabatuan, Iloilo Martes ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nakaladkad ng dump truck ang isang pampasaherong jeep, isang traysikel at isang motorsiklo sa isang kalye sa Barangay Tigbauan Road.

Kasalukyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at ang pagkakakilanlan ng mga suspek at mga biktima.