Vertical clearance ng LRT-1 sa Ermita, bumagsak

Dennis Datu, DZMM

Posted at Mar 20 2017 12:16 PM

MANILA - Bumagsak ang vertical clearance ng Light Rail Transit Line 1 sa kanto ng United Nations Avenue at San Marcelino Street sa Ermita, Maynila Lunes.

Ito'y matapos sumabit sa clearance ang isang trailer truck na dumadaan sa tapat ng Manila Police District headquarters.

Ang vertical clearance ay nagsisilbing warning sa mga sasakyan para hindi sumabit sa ilalim ng LRT sa kahabaan ng Taft Avenue.

Nasa 4.47 meters dapat ang taas ng bumagsak na vertical clearance. Pero bumaba ito nang itaas ng Department of Public Works and Highways ang kalsada kamakailan.

Ayon sa ilang motorista, hindi in-adjust ng pamunuan ng LRT ang taas ng clearance kaya maraming truck na ang sumabit dito.

Nagsimulang anilang tumagilid ang vertical clearance nitong Enero.

Wala namang nasaktan nang tuluyan na itong bumagsak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.