7 patay sa salpukan ng closed van, kotse sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2017 11:40 AM

Pito ang patay matapos magbanggaan ang isang closed van at kotse sa Sto. Tomas, Batangas Sabado ng gabi.

Galing sa Maynila at papunta ng Tanauan City ang van nang sumalpok ito sa kasalubong na Toyota Vios sa President Laurel Highway sa Brgy. San Roque, ayon sa pulisya.

Sa lakas ng banggaan, dead-on-the-spot ang 5 sakay ng Vios habang 2 pa ang namatay habang ginagamot sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang tinitukoy pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi. -- Arnell Ozaeta, DZMM