4 sugatan sa karambola ng mga motor at truck sa QC

Michael Delizon, ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2017 07:59 AM

Photo by Michael Delizon, ABS-CBN News

Apat ang sugatan nang magkarambola ang tatlong motorsiklo at isang truck sa intersection ng Tandang Sora, Quezon City.

Nadala na ng ambulansya mga biktima: isang matandang babae na nasa 70 anyos, at tatlong lalaki.

Ayon kay Bobby Biñas, ang driver ng truck, nagkaroon ng mechanical failure ang kanyang minamaneho dahil ayaw daw kumagat ng preno.

Galing C5 Taguig ang truck na may dalang sound system at papunta dapat ng Malabon.

Naitabi na ang mga nagkabanggaang sasakyan at nabuksan na sa trapiko ang westbound lane ng Tandang Sora ilalim.

Muling nagpaalala ang MMDA na dahan-dahan lang sa pagmamaneho kahit pa maluwag ang trapiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.