Bus, bumangga sa 2 bahay sa Camarines Sur

Bayan Mo Ipatrol Mo

Posted at Mar 16 2017 03:02 PM | Updated as of Mar 16 2017 05:19 PM

Labing-apat ang nasaktan matapos bumangga ang isang bus sa dalawang bahay sa Ocine Bridge, Brgy. Tigaon sa Camarines Sur, Huwebes ng madaling araw.

Galing Maynila ang Raymund Bus na may plate number WQJ 867 at patungong Partido, Camarines Sur nang maganap ang aksidente, 3:45 ng umaga.

Ayon kay Police Chief Inspector Ariel Blanco ng Tigaon Police Station, dumulas ang gulong ng bus dahil sa basang kalsada kasunod ng magdamag na ulan.

Ibinahagi nina Bayan Patroller Ruel Abajero at El Interino ang mga larawan ng aksidente.

Sumalpok ang isang bus sa 2 bahay sa Camarines Sur. Larawan mula kay El Interino

Sumalpok ang isang bus sa 2 bahay sa Camarines Sur. Larawan mula kay Ruel Abajero

Agad namang dinala sa Tigaon Primary Hospital ang mga nasaktang pasahero na pawang nagtamo ng minor injuries.

Wala namang nasaktan sa mga nakatira sa mga nabanggang bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.