West Cove resort sa Boracay ipinasara

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 03:24 PM | Updated as of Mar 14 2018 08:44 PM

Isinisilbi ng mga awtoridad ang closure order laban sa West Cove resort sa Boracay. ABS-CBN News 

MALAY, Aklan - Ipinasara ng lokal na gobyerno ang kontrobersyal na West Cove resort sa Boracay island sa bayang ito ngayong Miyerkoles. 

Walang business at occupation permits ang resort, na isang paglabag sa lokal na ordinansa, ayon sa closure order na isinilbi rito. 

"Ang LGU (local government unit), 'pag wala kang business permit, ipapasara," sabi ni executive assistant to the mayor Rowen Aguirre, na nanguna sa paghahain ng closure order.

Iginigiit naman ni Crisostomo Aquino, may-ari ng West Cove, na nagbayad at nagproseso sila ng kanilang permit ngunit hindi ito naaprubahan dahil sa umano'y pamumulitika ng nakaraang administrasyon. 

Idiniin niyang may pending appeal ang kanselasyon ng Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT) ng kaniyang hotel sa Office of the President. 

Katunayan aniya ay tinatanggap pa rin ng environment department ang kanilang bayad para sa FLAgT. 

"Kung ilegal kami at cancelled na 'yung FLAgT namin, sana hindi na tinanggap ng DENR (Department of Environment and Natural Resources)," sabi ng negosyante. 

Dagdag niya, hindi rin siya naabisuhan ukol sa closure order. 

Pumayag kalaunan si Aquino na ipasara ang kaniyang resort sa kondisyong isasara rin ang iba pang 3 establisimyento sa isla na aniya'y lumabag din sa mga ordinansa at environmental law. 

"Suportado namin si Presidente. Kung sinasabi na magpagiba kami, magpapagiba kami," sabi ni Aquino. 

Pag-uusapan pa ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensya kung kailan sisimulan ang demolisyon ng bahagi ng resort na nasa "no build zone" na sakop ang mga lugar na may layong 25 metro mula sa pampang. 

Watch more in iWantv or TFC.tv

Paliwanag ng lokal na gobyerno, kailangan pang isaalang-alang ang kapakanan ng mga bisita at trabahador ng hotel na maaapektuhan sa demolisyon.

Nakatakda namang pumunta sa korte si Aquino upang linawin ang closure order. 

Nagtalaga na ng mga pulis at kawani ng munisipyo sa West Cove upang tiyaking hindi ito muling bubuksan. 

Nagsasagawa ang pamahalaan ng malawakang cleanup sa isla matapos punahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dumi sa Boracay at bansagan itong isang "cesspool" noong Pebrero. 

Nagbanta siyang ipasasara ang isla, na kumikita ng P56 bilyon kada taon, kung hindi masosolusyonan ang polusyon dito. 

-- Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News 
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.