Drayber, patay sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 04:44 AM

Patay ang isang drayber ng traysikel matapos pagbabarilin ng "riding-in-tandem" sa Camarin Road, Barangay 178, Caloocan City Martes ng gabi.

Nagtamo ng 2 tama ng bala sa ulo si Allan Alday, 37 anyos.

Ayon kay PO1 Rocky Delos Reyes ng Police Community Precinct 5 ng Caloocan police, nangyari ang pamamaril alas-9:45 ng gabi habang pumapasada si Alday.

Nagkahabulan pa umano ang traysikel ng biktima at mga salarin.

Away-trapiko ang tinitingnan motibo sa pamamaslang dahil mabilis umanong magpatakbo ang biktima. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.