8 lalaki, arestado sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 04:38 AM

Arestado ang 8 lalaki, kabilang ang 2 menor de edad, sa buy-bust operation sa Barangay Payatas, Quezon City Martes ng gabi.

Pawang mga pahinante ng trak ng basura ang karamihan sa nahuli, ayon sa pulisya.

Narekober sa kanila ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Ang target ng buy-bust ay si alyas Bebong na dati nang nahuli dahil sa kasong robbery.

Pagkatapos ng operasyon, napansin ng mga pulis ang isang kubol sa isang bakanteng lote.

Paglapit nila, naaktuhan nila ang 7 iba pa na gumagamit umano ng droga.

Mahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.