22-wheeler truck tumagilid sa Maynila, trapik nagsikip

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 09:58 AM

MANILA - Isang 22-wheeler truck ang aksidenteng tumagilid at nagdudulot ng matinding trapik sa Maynila, Miyerkoles ng umaga.

Nakabalandra sa kalsada ang truck na may kargang 2 container na naglalaman ng softdrinks sa kahabaan ng P. Burgos Street sa Maynila.

Ayon sa driver ng truck, biglang may sasakyang napunta sa kaniyang lane kaya't iniwasan n'ya ito pero bigla na lamang siyang tumagilid.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bahagyang nasugatan ang driver at pahinante nito pero wala namang ibang tao o sasakyan ang napinsala.

Dadalhin sana ang softdrinks sa pier at ibibiyahe papunta sa mga probinsiya.

Hindi na madaanan pa ang lane papuntang Roxas Boulevard habang nasa lugar na din ang dalawang malalaking tow truck ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para alisin na ang naaksidenteng truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.