Teenager pinatay umano sa saksak ng mataderong nobyo

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 11:41 AM

MANILA - Patay ang isang 18-anyos na babae matapos umanong pagsasaksakin ng nagselos na mataderong live-in partner sa Cabuyao, Laguna nitong Lunes ng madaling-araw. 

Kuwento ng kapatid ng babae, nag-text sa kaniya ang 28-anyos na suspek na nasaksak umano nito ang biktima sa kanilang bahay sa Mabuhay Subdivision, Barangay Baclaran. 

Nagsumbong ang kapatid sa mga pulis, pero patay na ang biktima nang makita nila ito sa bahay. 

Dalawang tama ng ice pick sa dibdib ang ikinasawi nito, sabi ng mga pulis. 

Isang production operator na may 2 anak ang pinaslang na teenager. 
 
Pinghahanap pa ang suspek na mahaharap sa kasong homicide. 

Ulat ni Ronilo Dagos 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.