Sanggol tinamaan sa ulo ng ligaw na bala

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 08:09 AM | Updated as of Mar 13 2018 08:48 PM

(UPDATED) MANILA - Nalagay sa kritikal na kondisyon ang isang sanggol matapos tamaan ng bala nang pagbabarilin ang isang lalaki sa Barangay Kasilawan, Makati nitong Lunes ng hapon. 

Isang batang babae ang tinamaan ng bala sa ulo nang barilin ng naka-motorsiklong salarin ang lalaking si Jerome Hernandez.

Dead on the spot si Hernandez na nasa drugs watch-list ng barangay. 

Nag-aagaw buhay naman ngayon sa Ospital ng Makati ang nadamay na bata.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagkataon kasing ang sanggol ay nasa tindahang pag-aari ng kaniyang pamilya nang bumili ng gulaman si Hernandez at pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunman.

Kinakailangang salinan ng dugo ang bata at inoobserbahan kung maaari nang operahan dahil sa matinding pamamagang dulot ng balang tumagos sa kaniyang ulo.

Nagkasa na ng imbestigasyon sa insidente ang Makati police.

Kabilang sa mga anggulong tinitingnan nila sa pamamaril ay onsehan sa droga o personal na alitan.

-- Ulat nina Anjo Bagaoisan at Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.