Higit 1,000 pulis sa Western Visayas, sumailalim sa sorpresang drug test

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 05:17 PM | Updated as of Mar 13 2018 05:18 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahigit 1,000 pulis mula sa iba't-ibang police station sa Western Visayas ang sumailalim sa surprise drug test kamakailan.

Sinabihan lamang ang mga pulis na sila ay magkakaroon ng isang workshop, ngunit lingid sa kanilang kaalaman, sila ay susuriin pala kung positibo sa paggamit ng ilegal na droga. 

Ayon sa Police Regional Office 6 - Western Visayas, parte ito ng internal cleansing ng Philippine National Police.

"This is unannounced. [Alam ng] participants they will just go here to attend the seminar workshop [but] without their knowing... there will be drug testing sa lahat nga miyembro," ani Superintendent Gilbert Gorero, public information officer ng himpilan. 

Ang magpositibo sa anumang klase ng ilegal na droga ay iimbestigahan at maaaring makasuhan.

"There is no place for uniformed personnel in Police Regional Office 6 who are involved in illegal drugs, much more in terms of using (walang lugar ang pulisya para sa mga sangkot o gumagamit ng ilegal na droga)," giit ni Gorero. 

Matatandaang na-dismiss ng National Police Commission ang dalawang police official sa Western Visayas dahil sa koneksiyon sa ilegal na droga.
     

--Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.