Dalagita, sinaksak ng 64-anyos na kasintahan

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2018 09:59 PM

DIPOLOG CITY - Patay ang isang 16-taong-gulang na dalagita nang pagsasaksakin ng kanyang 64-taong-gulang na kasintahan sa Dipolog City.

Ayon sa mga nakatira malapit sa pinangyarihan ng krimen, nagkaroon umano ng pagtatalo sa loob ng kwarto habang nagpapatugtog ng malakas ang dalawa.

"The music was loud and the suspect was heard saying 'I love you, I love you,'” ayon sa isa sa mga saksi.

Nakita ng mga pulis ang kitchen knife na ginamit ng suspek na si Nilo Elumbaring sa pananaksak sa biktima.

Itinuturing na crime of passion ng pulisya ang nangyaring insidente.

Isinugod rin sa ospital si Elumbaring matapos saksakin ang sarili.

Haharap sa kasong murder ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.