Babae pinagpira-piraso ng mister

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2018 07:59 AM | Updated as of Mar 12 2018 10:02 PM

BABALA: Maselan ang paglalarawan sa krimen sa artikulong ito.

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Pinatay at pinagputol-putol ng sariling mister ang isang 46-anyos na ginang sa kanilang tahanan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Linggo.

Nadiskubre ang krimen ng mga batang naglalaro sa tapat ng bahay ng mag-asawa sa Republic Avenue, St. Michael Extension.

Nang tumakbo ang mga residente dahil sa sumbong ng bata, tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na putol ang 2 braso at paa, bukas ang tiyan, tinanggalan ng bituka at binalatan ang mukha. Nakapasok din ang isang putol na paa sa tiyan ng biktima.

Ayon sa isang residente, sinabihan pa umano siya ng suspek na, "Ganyan ang dapat ginagawa sa mga asawa."

Naaresto ang suspek at ikinuwento kung papaano nito sinimulang patayin ang biktima.

Aniya, nagpapahilot sa kaniya ang misis at nakadapa nang apakan niya ang matres nito at buksan gamit ang kutsilyo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inamin ng suspek na galit siya dahil hindi sila magkaroon ng anak ng misis. Binuksan umano niya ang tiyan nito para hanapin kung may fetus doon.

Dagdag ng suspek, nakita n'ya bilang kambing ang misis kaya binalatan niya ang mukha nito para makita kung sino ang nasa likod ng "maskara."

Naburyong aniya siya dahil sa kaliwa't kanang problema. Wala rin umanong pupuntahan ang kaniyang paghihirap sa trabaho.

Taong 2002 pa kasal ang mag-asawa pero wala pang anak. Napag-alaman naman na may sakit na myoma ang ginang.

Iginiit ng suspek na hindi niya pinagsisihan ang krimen.

Pakiramdam aniya niya na malaya na siya ngayon.

Narekober sa crime scene ang kutsilyo at martilyo.

Nagimbal naman ang mga kapitbahay sa sinapit ng mag-asawa na anila'y mabait at relihiyoso.

Kakasuhan ng parricide ang suspek na ikinulong sa Camp Karingal.

Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.