Negosyante pinaslang ng naka-motorsiklong gunman sa Gensan

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2018 10:04 AM

Iniinspeksyon ng mga imbestigador ang lugar kung saan pinaslang ang isang negosyante habang minamaneho ang kaniyang sasakyan. ABS-CBN News

GENERAL SANTOS CITY - Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng naka-motorsiklong gunman sa lungsod na ito, Sabado ng hapon.

Minamaneho ng biktimang si Francisco Soria, Jr. ang kaniyang sasakyan nang barilin ng suspek na naka-helmet sa Bulaong Avenue sa Barangay Dadiangas North, ayon sa isang testigo.

Wala aniyang nagtangkang humabol sa gunman na sakay ng itim at puting motorsiklo. Dead on the spot naman si Soria dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Bago pa lang nagnenegosyo sa paggawa ng sticker ang biktima sa kaya wala pang alam ang mga awtoridad sa pagkatao nito, ayon sa kagawad na si Genesan Saulon.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang misis ng biktima.

Apat na basyo ng kalibre .45 baril ang narekober sa crime scene.

Ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.