5 sugatan sa salpukan ng mga motorsiklo sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2018 05:06 AM

Sugatan ang 5 katao sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Legarda, Maynila.

Kuwento ng isang testigo, nakita niyang umovertake ang motorsiklo, na may 2 sakay, sa isang taxi papuntang Mendiola.

Ang isang motorsiklo naman na may 3 sakay ay iniiwasan ang harang ng Maynilad papuntang Ramon Magsaysay Boulevard.

Dahil dito, nagkagitgitan umano ang mga manibela ng mga motorsiklo kaya nawalan ng balanse.

Pinabulaanan naman ito ng rider na umovertake sa taxi. Aniya, nahagip sila ng motorsiklo sa kabilang kalsada.

Aminado naman ang isa sa 3 sakay ng motorsiklo na nakainom sila ng kaniyang mga kasamahan.

Dinala na sa ospital ang mga biktima. Inaalam pa ng Manila Traffic Sector kung sino ang may pananagutan as aksidente. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.