21 huli sa anti-criminality operation sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2018 05:08 AM

Dinampot ng mga pulis ang 21 katao sa anti-criminality operation sa Navotas City.

Ang 11 sa kanila ay naaktuhang gumagamit umano ng ilegal na droga.

Ayon kay Senior Supt. Brent Madjaco, acting chief ng Navotas police, karamihan sa mga nahuli ay wala sa drugs watchlist.

"Pero may tatlo na previously arrested na connected din sa drugs, ngayon nahuli na naman sila," aniya.

Depensa naman ng mga ilan sa nahuli, napagbintangan lang umano sila.

"Pinalabas lang kami sa bahay tapos dinala kami rito," ayon kay alyas Tisoy.

Narekober sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,000.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.