Babae, binaril sa loob ng bahay sa Pasay

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 05:09 AM

Patay ang isang babae matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin sa loob ng kaniyang bahay sa Pasay City Miyerkoles ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Lorieluz Valdez, 27-anyos, residente ng Barangay 187.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Pasay City police, pasado alas-7 ng gabi nang pasukin ng gunman ang bahay ng biktima at binaril ito sa ulo.

Agad na dinala sa San Juan De Dios Hospital si Valdez ngunit binawian din ito ng buhay.

Nahihirapan naman ang mga pulis sa pag-iimbestiga dahil wala umanong gustong magsalita sa nangyari.

Hinihinalang may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril dahil dati na umanong naiugnay ang biktima sa kalakaran.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.