3 mangingisda na tumaob ang bangka, nasagip sa Iloilo

Meneil Lopez, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 03:43 PM

DUMANGAS, Iloilo - Tatlong mangingisda na 6 na oras nang palutang-lutang sa dagat dahil sa tumaob na bangka ang naisalba ng isang cargo vessel, Martes.

Ayon sa mga mangingisda na sina Leo Tasio, Ramon Hiponia at Joey Capangpangan, pumalaot sila bandang alas-5, Lunes ng umaga ngunit tumaob ang kanilang bangka bandang alas-11 ng gabi matapos itong hampasin ng malalaking alon.

Ang mga mangingisda na mula pa sa lungsod ng Silay ay kumapit sa tumaob na bangka hanggang sa namataan sila ng LTc Our Lady of the Philippines cargo vessel sa dagat na malapit na dito sa bayan, ani 
Lt. Jansen Benjamin, operations officer ng Coastguard District Southern Visayas.

Pinaalalahanan ng mga opisyal ang mga mangingisda na laging magdala ng mga cellphone na nakasilid sa plastic tuwing papalaot upang makatawag agad ng tulong kung sakaling magka-aberya sa gitna ng dagat.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.