Isa sa mga umano'y pekeng PDEA agent, sumuko

Raffy Santos, ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 09:00 PM

 

MAYNILA - Sumuko na ang isa sa mga miyembro umano ng armadong grupong nakasuot ng uniporme ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nandukot ng tatlong kabataan sa Taguig noong Pebrero 4.
 

Pinabulaanan ni Aristotle Go Quitaña na kasama siya sa grupo dahil hindi raw niya kilala ang mga ito.

Nagtataka rin daw siya bakit siya napasama sa kinasuhan ng robbery at extortion ng Taguig Police.

Handa raw siyang harapin ang mga kaso laban sa kaniya.

Ayon naman kay PDEA Director General Aaron Aquino, patuloy ang gagawin nilang balasahan sa ahensiya kasunod ng pagkakasangkot ng ilang tauhan nila sa pangongotong sa mga drug suspects sa Calabarzon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.