P2.5-M na halaga ng 'shabu' nasabat sa buy-bust sa Quiapo

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2018 08:11 AM

MANILA - Timbog ang isang lalaki sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang suspek sa alyas na "Rusty" 37 anyos, taga-Lanao Del Sur.

Ayon kay Agent Gelly Robins Cataluña ng PDEA, isang buwan silang nagsagawa ng surveillance sa suspek na nakikipagkita umano sa mga parokyano sa hotel at malls.

Dagdag ni Cataluña, nagsu-supply ng droga sa NCR, Region 6 at Lanao Del Sur ang suspek, at isang alyas "Bryan" naman ang pinagkukunan niya ng droga.

Aminado naman si alyas Rusty na sa kanya ang droga.

Ayon sa suspek napilitan lang siyang magbenta ng droga dahil sa patong patong na utang.

Narekober sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon, P1.4 milyon na buy bust money at cellphone.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.