2 'drug pusher', patay sa engkuwentro sa Tondo

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 09:30 AM

MAYNILA - Patay ang 2 umanong drug pusher sa isang engkuwentro laban sa mga pulis sa Tondo Sabado ng madaling araw.

Bago nangyari ang barilan, isinagawa muna ng Manila Police District (MPD) Station 1 ang buy-bust operation laban sa mga suspek.

Sa kuha ng CCTV, dumating ang mga lalaki sakay ng isang motorsiklo bandang 1:30 a.m.

Nang magkaabutan ng droga, nakaramdam ang mga ito na poseur buyer ng pulis ang kausap nila.

Nagpaputok ang mga suspek na nauwi sa habulan.

Nakorner sila ng mga pulis sa Maralag bridge. 

Nagkapalitan ng putok ang dalawang panig na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga suspek.

Narekober mula sa kanila ang P20,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.