'Drug pusher', patay sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2018 05:50 AM

Patay ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Quezon City Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek sakay ng isang kotse nang aarestuhin na sana. Kasama nito ang 3 iba pang lalaki.

Nagkaroon umano ng putukan hanggang sa napatigil ang kotse sa Visayas Ave.

Tumakbo ang mga sakay na lalaki pero ang suspek ay nakorner ng mga pulis.

Tinamaan ang suspek kaya't dinala sa ospital pero binawian ng buhay.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .38 na baril. Nasamsam din sa loob ng kotse ang 4 na sachet ng umano'y shabu.

Patuloy naman ang paghahanap sa 3 nitong kasamahan. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.