Pulisya, bumubuo ng bagong unit kontra droga

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2017 04:36 PM

MANILA – Pinagsusumite na ang mga unit ng Philippine National Police (PNP) ng mga rekomendasyon para sa bagong bubuuing anti-illegal drugs group ngayong ibabalik na ang mga operasyon kontra droga sa pulisya.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Senior Superintendent Dionardo Carlos, sasalaing mabuti ang mga bagong magiging miyembro ng anti-illegal drugs group. Kung mga bagong pulis ay ihahanda raw at bibigyan ng training, lalo ang mga wala pang kaalaaman sa mga operasyon laban sa bawal na gamot.

Kapag may nairekomenda nang mga pulis, agad na magsasagawa ng background investigation upang matiyak na malinis ang mga ito at walang bahid ng korapsyon. – Mula sa ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News