Lalaki, patay matapos barilin sa kangkungan

Fred Cipres, radio DZMM

Posted at Mar 01 2017 09:02 AM | Updated as of Mar 01 2017 09:59 AM

Natagpuan ang bangkay ng lalaki sa isang compound sa Teachers Village, Catmon, lungsod ng Malabon pasado ala-1:00 ng madaling araw Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Valles alyas Atan, 28-anyos, na nakitaan ng sugat sa ulo at mukha.

Ayon kay Julius Valles, kapatid ng biktima, ika-27 pa ng Pebrero nawawala ang si Jonathan.

Hindi umano sila nag-ulat sa pulis dahil kaibigan ng biktima ang sumundo rito bago mawala.

Kuwento naman ng mga residente sa lugar, pasado alas-6:00 ng gabi nang may marinig silang sunod-sunod na putok ng baril. Agad nila itong itinawag sa barangay.

Nahirapan matagpuan ang bangkay ng biktima dahil madilim umano sa naturang lugar at natatabunan ito ng mga basura.

Iniuugnay umano sa ilegal na droga ang biktima, ayon sa mga awtoridad na patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.