Kidnap, rape, droga: Halos 400 tiwaling pulis sibak sa serbisyo

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 10:43 AM

MANILA - Umabot na sa 398 tiwaling pulis ang sinibak sa serbisyo sa nakalipas na 26 na buwan, inanunsyo ng Philippine National Police ngayong Miyerkoles.

Kabuuang 1,216 pulis ang pinatawan ng disciplinary penalties tulad ng demotion, suspension, reprimand, restriction at salary forfeiture, ayon sa PNP Directorate for Personnel and Records Management.

Pirmado ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang dismissal order para sa mga naturang pulis.

Kabilang sa grupo ang 167 na may kinalaman sa ilegal na droga, kung saan 151 ang nagpositibo sa paggamit ng bawal na gamot at 18 ang sangkot drug-related activities.

Samantala, 91 ang sinibak sa PNP dahil sa absence without official leave, 10 dahil sa kidnapping, 22 sa murder, 3 sa rape, 6 sa homicide, 2 sa parricide at 3 sa illegal arrest o detention.

Dismissed naman ang 23 dahil sa pagkakasangkot sa robbery at extortion, 1 sa graft at malversation at 70 iba pa dahil naman sa grave misconduct.

Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.