Sunog sumiklab sa gusali sa Baclaran

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 11:59 AM | Updated as of Feb 27 2018 12:50 PM

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa isang commercial building sa Quirino Avenue sa Baclaran, Martes bandang alas-10:00 ng umaga.

Sa larawang kuha ng Bayan Patrollers, makikita ang maitim at makapal na usok na lumalabas mula sa gusali.

Lumaki agad ang sunog kaya kinailangan nang rumesponde ang mga karagdagang trak ng bombero.

Kasalukuyan pang inaapula ang sunog.