Mag-barkadang nag-joyride sa motorsiklo, naaksidente

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2018 08:55 AM

Wala pang malay nang isakay sa ambulansiya si Yvonne Suazo matapos na maaksidente ang sinakyang motorsiklo, Huwebes ng madaling araw, Pebrero 22, 2018, sa Davao City. Paul Palacio, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Disgrasya ang inabot ng dalawang magkaibigan matapos na maaksidente habang nag-joyride sakay ng motorsiklo, Huwebes ng madaling araw.

Wala pang malay ang 18-anyos na si Yvonne Suazo nang isakay sa stretcher, habang napilayan naman ang kasama nitong si Weldy Andaya na siyang driver ng motorsiklo.

Ayon kay Andaya, nagkulang siya sa kalkulasyon nang papalapit na sa kurbada ng Broadcast Avenue Shrine Hills sa Matina at nag-overshoot sila hanggang tumilapon sa kalsada.

Paikot-ikot lang sana sa lungsod ng Davao ang dalawa kasama ang ibang riders para mag-joyride.

Banggit ng ibang mga residente sa lugar, mabilis ang takbo ng motorsiklo ng mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.